-- Advertisements --

No hard feelings si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez kaugnay sa pag-amin ng dating boyfriend at kapwa celebrity niyang Mark Herras na may bago na itong love life.

Ito’y matapos may magkomentong follower sa “feed” ni Winwyn, bagay na sinagot naman ng 27-year-old actress.

If @herrasmarkangeloofficial and @nicole_donesa is happy then let them be. “and if wala ka magawa @rester212 stop commentinh on my feed.”

Pebrero nitong taon lang nang umamin si Winwyn na nauwi sa hiwalayan ang tatlong taong pagiging magkasintahan nila ni Herras at wala namang “third party.”

Sa panig ng 31-year-old actor, sinabi niyang hindi na “healthy” ang relasyon nila ng beauty queen girlfriend kaya naghiwalay sila.

Ang newbie actress na si Nicole Donesa ay nakasama ni Mark sa isang teleserye.

Kung maaalala, si Marquez ang first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.