-- Advertisements --
image 546

Sinisiyasat na ngayon ng National Weather Service ng southern California ang mga pinsalang idinulot ng buhawi sa kanilang lugar.

Ito ay matapos na mag-iwan ng sira-sirang mga bubong at gusali, basag na mga bintana, nagkalat na mga sasakyan tila hinambalos ng malakas na hangin, at iba pa ang naturang buhawing humagupit sa Southern California city na pinalakas pa ng kasalukuyang winter weather na nararanasan ngayon sa nasabing lugar.

Sa ulat ng naturang weater service, nasira nito ang humigit-kumulang 25 mobile home units at nagkaroon ng minor tree damage sa sementeryo na katabi ng mobile home park sa bahagi ng Carpinteria.

Ayon sa nasabing ahensya, ang naturang buhawing tumama sa California ay maituturing na malaki matapos itong tumama sa isang populated area, at nagdulot ng pinsala at injuries sa lugar at mamamayan nito.

Ang mga buhawi ay isang malakas na pag-ikot ng hangin na dumadampi sa lupa na may lakas na posibleng umabot ng hanggang 300 miles o 480 kilometers kada oras at makasira ng mga sambahayan sa loob lamang ng ilang segundo.