-- Advertisements --
May dalawang boksingerong nais na makalaban ni Former longtime heavyweight champion Deontay “The Bronze Bomber” Wilder matapos na mapatumba sa unang round lamang si Robert “The Nordic Nightmare” Helenius sa WBC Heavyweight title Eliminator.
Ito ang unang laban niya mula ng talunin siya Tyson Fury sa ikatlong pagkakataon na kanilang paghaharap noong Oktubre 9, 2021.
Kuwento ni Wilder na isinet-up niya si Helenius kung saan kapag aatake ay doon siya bumabanat.
Matapos ang nasabing laban ay dalawang boksingero ang nasa listahan niya isa na rito si Oleksandr Usyk at Andy Ruiz Jr para sa heavyweight division.