-- Advertisements --

Binatikos ng World Health Organization (WHO) ang ginawang pag-atake ng Israel military sa Al Shifa Hospital sa Gaza.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus , na hindi katanggap-tanggap ang nasabing operasyon na ito ng Israel Defense Forces dahil sa maraming mga inosente ang nadamay.

Mahalaga na dapat protektahan ang mga pasyente at staff ng mga pagamutan kahit na ito nagagamit ng mga militar.

Giit pa nito WHO head na ang mga pagamutan ay hindi maituturing na battlegrounds.

Magugunitang nilusob ng Israel military ang nasabing pagamutan matapos na makakuha ng impormasyon na ito ay pinagkukutaan ng mga Hamas militants.