-- Advertisements --

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang pagtatapos na bilang global health emergency ng monkeypox ang viral disease na dumapo sa halos 100 bansa.

Unang idineklara kasi ng WHO ang public health emergency of international concern ng monkeypox noong Hulyo 2022.

Sinabi ni WHO director-general, Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang rekomendasyon ay mula sa emergency committee.

Itinuturing nila din kasi ng WHO na halos lahat ng mga napaulat na kaso ay nakontrol na.

Sa nagdaang tatlong buwan ay bumaba ng 90 percent ang naitatalang kaso kumpara noong nakaraang taon ng ito ay unang madiskubre.