-- Advertisements --

GENEVA – Lumabas sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na halos wala naging epekto sa mga COVID-19 patients sa ospital ang isinagawa nilang Solidarity Trial sa iba’t-ibang uri ng gamot.

“In just six months, the world’s largest randomized control trial on COVID-19 therapeutics has generated conclusive evidence on the effectiveness of repurposed drugs for the treatment of COVID-19,” ayon sa WHO.

Kabilang sa mga pinag-aralan at ginamit ng institusyon bilang regimen o treatment drug sa mga pasyente ay ang: remdesivir (anti-Ebola), hydroxychloroquine (anti-malaria), lopinavir/ritonavir (HIV treatment), at interferon.

Lahat daw ng mga ito ay hindi nagpamalas ng malaking pagbabago sa estado ng mga ginamitang pasyente.

“Interim results from the Solidarity Therapeutics Trial, appeared to have little or no effect on 28-day mortality or the in-hospital course of COVID-19 among hospitalized patients.”

Higit 30 bansa ang nagsagawa ng trials, kabilang na ang Pilipinas, kung saan tiningnan ang epekto ng mga gamot sa sa mga pasyenteng nagkaroon ng posibilidad na mamatay, gamitan ng ventilation o may mas matagal na pananatili sa ospital.

“Other uses of the drugs, for example in treatment of patients in the community or for prevention, would have to be examined using different trials.”

Sa ngayon hanga ang WHO sa ipinamalas na pagkakaisa ng mga bansa para magkaroon ng malawakang trial sa mga posibleng gamot kahit nasa gitna ng pandemya ang buong mundo.

Halos 500 ospital daw sa buong mundo ang kasali sa trials na handa pa ring mag-aral sa ano mang uri ng posibleng lunas sa COVID-19.

“The results of the trial are under review for publication in a medical journal and have been uploaded as preprint at medRxiv available at this link: https://www.medrxiv.org/content/10.1101/2020.10.15.20209817v1”

Inanunsyo rin ng WHO na ikinokonsidera na rin para sa evaluation ang iba pang antiviral drugs na: immunomodulators at anti-SARS COV-2 monoclonal antibodies.