Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nakakabahala na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Europe.
Ayon kay WHO regional director Hans Kluge na ang nasabing pagtaas ng kaso ay magiging babala sa mas matinding krisis pa na darating.
Ang lingguhang kaso kasi ay nalagpasana na bilang ng unang naiulat ang pandemic at ng ito ay nag-peak sa Europa noong Marso.
Mahigit aniya sa kalahati ng mga European nations ang nagtala ng pagtaas ng 10% ng bagong kaso sa nakaraang dalawang linggo.
Dahil na rin dito ay maraming mga European governments ang nagpatupad ng mahigpit na local measures gaya ng paghigpit ng lockdowns para mapigilang ng second wave ng pandemic.
Umabot na kasi sa mahigit 4.9 million ang kaso ng COVID-19 sa Europe kung saan mayroong mahigit 226,000 na ang namatay.