-- Advertisements --

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) ang pananatili pa rin ng banta ng COVID-19.

Ito ay kahit na idineklara ng WHO noong Mayo na hindi na ito “global health emergency”.

Ayon kay WHO Regional Director for Europe Hans Kluge na may mga kaso pa rin ng COVID-19 ang kanilang naitatala sa 53 bansa kasama dito ang Asya.

Kada linggo ay mayroong halos 1,000 katao ang nasasawi dahil sa COVID-19 sa Europa.

Patuloy din ang panawagan na WHO sa mga bansa na huwag maging pabaya hanggang wala pang nadidiskubreng gamot sa nasabing virus.