-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) matapos na kubkubin ng armadong grupo ang National Public Health Laboratory sa Khartoum.
Ayon sa WHO na magkakaroon ng mataas na panganib ng biological hazard kapag nagalaw at nasira ang ilang mga nakalagay na gamit sa laboratoryo.
Mula kasi kubkubing ng armadong grupo ang lugar ay hindi na makapasok ang mga empleyado ng laboratoryo.
Magugunitang patuloy ang nagaganap na labanan sa pagitan ng Sudan Military at ang paramilitary Rapid Support Forces (RSF).