-- Advertisements --

Iginiit naman ng World Health Organization na hindi na nila kayang mawala pa ang mga natitirang operational hospitals na nasa southern Gaza.

Ayon kay WHO Emergency Medical Team Coordinator Sean Casey, na halos lahat ng mga medical facilities ay nasira na mula ng magsimula ang labanan ng Israel at Hamas.

Nagkakaubusan na rin ang mga kuwarto at a mga gamot sa mga hospitals dahil sa araw-araw ay maraming mga sibilyan ang nadadamay sa kaguluhan.

Ang mga kalagayan ng mga pagamutan sa Gaza ay lubhang nakakabahala na dapat ay bigyan ito ng agarang atensiyon.