-- Advertisements --

Labis na nababahala ang World Health Organization dahil sa muling pagtaas ng bilang ng mga taong nadadapuan ng coronavirus disease sa South Korea at China.

Kinumpirma ng South Korean government na nakapagtala ito ng bagong cluster ng coronavirus infection sa kanilang bansa kung saan kasama sa bilang ang mga Koreano na nagtungo sa mga nightclubs sa Seoul noong Mayo 2.

Naitala naman ulit sa Wuhan, China ang bagong kaso ng naturang virus matapos ang halos isang buwan na pamamahinga nito.

“Early serological studies reflect that a relatively low percentage of the population has antibodies to COVID-19, which means most of the population is still susceptible to the virus,” saad ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Aniya kailangan pa rin ipagpatuloy ng mga bansa ang pagpapatupad ng mahigpit na patakaran maging ang detection at isolation sa mga taong infected ng nakamamatay na virus.