-- Advertisements --
Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa muling pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa WHO na tumaas ng walong porsyento ang pagtaas ng kaso sa mga nagdaang linggo na mayroong 11 milyon kaso at mahigit 43,000 na bagong kaso ng mga nasawi ang naitala.
Sa Western Pacific region lamang ay mayroong mahigit 29 percent ang pagtaas na kaso.
Itinuturing ni Maria Van Kerkhove, ang technical lead ng WHO ng COVID-19, na ang pagbabawas na ng testing ay siyang naging sanhi ng muling paglobo ng kaso.
Dagdag naman ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na malayo pang maituturing na tapos na ang pandemya.
Nanawagan ito sa mga mamamayan na maging vigilant para tuluyang matapos na ang pandemya.