-- Advertisements --
image 144

Pinabulaanan ng World Health Organization (WHO) ang reports na na-hack ang kanilang database.

Inilabas ng ahensiya ang naturang pahayag matapos kumpirmahin ng Department of the Information and Communications Office (DICT) na nakadetect ito ng na-leak na mga impormasyon may kinalaman sa COVID-19 vaccination mula sa Pilipinas.

Subalit nilinaw ng opisina ng WHO na nasa Pilipinas nitong Biyernes na hindi ito nangongolekta, nagpoproseso o nagiimbak ng personal data ng mga Pilipino gaya ng pangalan, email address, phone numbers at iba pa may kaugnayan sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa isang statement sinabi pa ng ahensiya na wala itong access sa personal data dahil eksklusibo lamang ang mga ito sa domain ng mga pamahalaan ng mga bansa.

Paliwanag pa ng ahenisya na ang kinolekta ng WHO sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic mula sa mga national health authorities sa buong mundo ay ang pinagsama-samang datos ng mga populasyon gaya ng kabuuang bilang ng dinapuan ng virus, nasawi at vaccine doses na naibakuna sa isang bansa na mahalaga aniya para masubaybayan ang progreso ng COVID-19 vaccination efforts sa isang bansa at sa buong mundo.

Sinabi din ng ahensiya na peke at hindi accurate ang naturang reports ng data breach sa WHO o WHO-hosted database.

Tumatalima din aniya ang WHO sa mga prinsipyo may kinalaman sa personal data protection na nakapaloob sa UN Principles on Personl Data Protection and Privacy.