-- Advertisements --
WHO

Inilabas ng World Health Organization ang bagong strategy nito para labanan ang Covid-19, na naglalayong tulungan ang mga bansa na lumipat mula sa emergency mode patungo sa long-term prevention at control strategy.

Ang publikasyon ay nauna sa isang pulong ng WHO’s Covid-19 emergency committee upang magpasya kung ang pandemya ay sapat pa rin upang makuha ang pinakamataas na antas ng alerto, na una nang inilabas noong January 2020 sa pagsisimula ng pandemya.

Ang huling desisyon, na nakasalalay kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa kanyang pagpapasya.

Dagdag dito, inihayag ng WHO ang strategic plan nito para sa pagtugon sa Covid-19 para sa 2023-2025.

Ito na ang ikaapat na plano mula noong naiulat ang mga unang kaso noong huling bahagi ng 2019 sa rehiyon ng Wuhan ng China.

Una nang sinabi ng WHO na bumaba ng 95% ang mga naitalang namatay dahil sa Covid-19 mula ngunit binalaan ang publiko na ang virus na patuloy pa rin sa paggalaw dahil ang ang ibang mga bansa ay nakakapagtala ng pagtaas sa kaso nito.