Idineklara ng World Health Organization bilang international health emergency ang outbreak na dulot ng Bundibugyo strain ng Ebola na wala pang bakuna o partikular na lunas.
Mahigit 80 katao na ang nasawi sa outbreak ng Ebola sa Democratic Republic of the Congo habang mahigit 300 naman ang hinihinalang kaso ng sakit.
Ayon sa mga awtoridad, maaari itong magkaroon ng hanggang 50 porsyentong fatality rate at makm inbilis nang kumakalat hanggang sa karatig-bansang Uganda.
Kabilang sa sintomas ng Ebola ang lagnat, pagsusuka, pagdurugo, at organ failure.
Sinabi naman ng Doctors Without Borders o MSF na nakaaalarma ang sitwasyon dahil kulang ang pasilidad at hirap ang Congo sa pagdadala ng medical equipment sa mga apektadong lugar.
@
DOH, nakikipag-ugnayan sa WHO hinggil sa Bundibugyo Ebola Outbreak
Loops: doh, ebola, who
Aktibong nakikipag-ugnayan nag Department of Health sa World Health Organization kaugnay ng outbreak ng Bundibugyo strain ng Ebola sa Africa.
Ayon sa DOH, idineklara ng WHO bilang Public Health Emergency of International Concern o PHEIC ang outbreak, ngunit nilinaw na hindi ito maituturing na pandemic emergency.
Nagbabala ang WHO sa posibilidad ng mabilis na pagkalat ng sakit sa Democratic Republic of the Congo at Uganda dahil sa humanitarian crisis at mataas na galaw ng populasyon.
Binigyang-diin naman ng DOH na nananatili silang alerto at patuloy na nagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
















