-- Advertisements --

Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa na ibahagi nila ang mga nalalaman nila o mga natuklasan nila sa pinagmulan ng COVID-19.

Kasunod ito sa pagbubunyag ng US na galing umano sa nagleak na laboratoryo sa Wuhan, China ang pinagmula ng Virus.

Ayon kay WHO irector-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na mahalaga ang pamamahagi ng impormasyon ng bawat bansa kung may alam silang pinagmulan ng nasabing virus.

Hindi aniya sisihin ang nasabing bansa na pinagmulan at sa halip ay makakatulong ito sa kanilang pag-aaral para malaman kung paano ito magagamot at kung paano ito maiiwasan.

Pagtitiyak nito na hindi inabandona ng WHO ang anumang pag-aaral sa pinagmulan ng nasabing virus.

Nanawagan ito sa China na maging bukas o transparent sa pamamahagi ng mga impormasyon na may kinalaman sa pagkalat ng virus.

Magugunitang na ang unang kasong naitala na COVID-19 virus ay noong 2019 sa Wuhan kung saan sinabi ng mga health officials sa China na ito ay galing umano sa hayop at itinangging mula ito sa nag-leak na laboratoryo.