-- Advertisements --
Nanindigan ang World Health Organization (WHO) na hindi sila mag-iindorso ng bakuna laban sa coronavirus kapag hindi ito ligtas at epektibo.
Ang nasabing pahayag ng WHO ay kasunod ng tila pag-uunahan ng mga bansa para makagawa na ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa ilalim kasi ng normal procedure na aabot sa ilang buwan o hanggang taon ang gagawing test administrator para ma-beripika na ang bakuna ay ligtas at epektibo.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus , na ang pagmamadali na makagawa ng bakuna ay magreresulta ito ng mababang standard ng bakuna.
Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 30 bakuna na ang dumadaan sa human testing kung saan walo dito ang nasa final-stage Phase III trials na.