-- Advertisements --
NTF KLM ASTRAZENECA COVAX1
IMAGE | President Rodrigo Duterte holds a vial of COVAX-donated AstraZeneca vaccine/PCOO

MANILA – Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na epektibo pa rin laban sa B.1.351 o South African variant ng SARS-CoV-2 virus ang bakunang dinevelop ng AstraZeneca.

Pahayag ito ng WHO matapos lumabas sa isang pag-aaral sa South Africa na nababawasan ng B.1.351 variant ang bisa ng British-made vaccine mula 70% hanggang 10%.

“Basically, South Africa decided to abandon the AstraZeneca vaccine because it was no different than injecting water into the patients,” ani Rev. Fr. Nicanor Austriaco, molecular biologist at fellow ng OCTA Research Group.

“With 10% protection, basically most people would still be able to get mild and moderate COVID-19,” dagdag pa ng eksperto.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, country representative ng WHO sa Pilipinas, limitado pa lang ang mga ebidensya tungkol sa epekto ng COVID-19 variants sa bakuna.

Kaya wala daw dapat ikabahala ang publiko pagdating sa pagpapaturok ng coronavirus vaccines.

“The study that was used in South Africa was a very limited scale study. What it showed, there was evidence of mild and moderate disease following AstraZeneca vaccines.”

“(But) we are still looking at these reports and analyzing it… the sample is very small at 2,000.”

Binigyang diin ng opisyal na wala pa ring bakuna ang may kakayahan na magbigay ng 100% proteksyon laban sa COVID-19.

Sa ngayon daw kasi, ang mga na-develop na bakuna ay may kakayahan na bawasan ang banta na lumala ang impeksyon at pagkamatay sa sakit.

“We still believe that AstraZeneca vaccine is effective even in places where you have large proportion of cases that may be attributed to the B.1.351 variant.”

Ganito rin ang posisyon ng Department of Health ng Pilipinas, sa kabila ng pagkakaroon ng anim na kaso ng sinasabing mas nakakahawang anyo ng virus.

“Hindi pa peer reviewed yung study so hindi pa kumpleto yung ebidensya for us to state na talagang mangyayari ito, pero syempre pinakikinggan natin itong mga ganitong pag-aaral.”

Nababahala ang mga eksperto ng OCTA, na kung sakaling kumalat pa ang South African variant sa bansa ay baka masayang ang milyong doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng pamahalaan at private sector.

Pero ayon sa WHO, importante pa ring sundin ang health protocols kahit mabakunahan dahil ito pa rin ang mabisang paraan para maiwasan ang COVID-19.