Dapat umanong ma-test sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga indibidwal na may exposure sa confirmed cases kahit wala silang nararamdamang sintomas, ayon sa World Health Organization (WHO).
Pahayag ito ng WHO matapos kumalas ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa una nitong posisyon, at sinabing hindi kailangan ma-test ang mga walang sintomas na close contact ng COVID-19 cases.
“We know that people who have symptoms transmit, and we know that people who don’t have symptoms can transmit the virus as well,” ani WHO COVID-19 technical lead Maria Van Kerkhove.
Dagdag pa ng opsiyal, mas makabubuti kung palalawakin pa ang testing nang matukoy kung sino mula sa mga indibidwal ang mild at asymptomatic.
“This is really fundamental to breaking chains of transmission.”
Ang guidelines na dinevelop ng WHO ang siyang sinusunod ng Department of Health (DOH) ng Pilipinas.
Sa gitna ng diskusyon ng international agencies, nilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na ang ipinatutupad namang protocol ng bansa ay agarang isolation may nararamdaman mang sintomas o wala ang close contacts.
“Whether a patient gets tested or night, as long as we isolate those who had been identified as close contacts we can ensure that we can contain the transmission… ‘yun ang una naming gagawin ngayon, we isolate first and then we test. ” ayon sa DOH spokesperson.
Payo ng opisyal sa mga Pilipino, kung nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 ay agad mag-isolate.