-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bibisitahin ng mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang ilang lugar na pagtatayuan ng mga laboratoryo upang magsisilbing Coronavirus Disease (COVID-19) testing sites sa Northern Mindanao.

Ito ay upang alamin ng mga nabanggit na mga ahensiya ang kakayahan ng rehiyon kung sakaling itutuloy ang COVID-19 testing sites para mas mapadali ang pag-alam ng mga resulta ng throat swab samplings ng suspected virus carriers kaysa ipapadala pa sa Davao City at Metro Manila.

Inihayag ni Dr Ian Gonzales,head ng Department of Health Northern Mindanao Infectious Disease Cluster na kabilang sa sasailalim ng ebalwasyon ang mga laboratoryo mismo ng Northern Mindanao Medical Center,TB Reference Center ng DoH-10 at ibang pribadong mga ospital.

Inamin ni Gonzales na halos ng throat swab sampling ay kailangan pang dadalhin sa Southern Philippines Medical Center ng Davao City upang sasailalim ng confirmatory testing.

Magugunitang nang mapasok ang Pilipinas ng bayrus ay maraming kompirmadong COVID-19 cases na ang natutukan ng DoH kung saan ilang sa mga biktima ay binawian na ng buhay simula noong Marso hanggang sa buwan na ito.