-- Advertisements --

BRAZZAVILLE – Malaking tulong daw para sa mga bansa sa Africa ang mga inaprubahang antigen-based rapid diagnostic tests ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19.

Hanggang sa ngayon kasi ay marami pa rin daw sa mga estado sa African region ang maliit ang porsyento nang nati-test sa coronavirus.

Ayon sa WHO, 12 bansa lang sa naturang kontinente ang nakakagawa ng 10-tests sa kada 10,000 tao kada linggo sa mga nakalipas na buwan. Kinakapos din daw ang ibang bansa sa rehiyon, kahit may ibang bansa mula sa ibang rehiyon na kapareho lang ng kanilang laki.

“For example, Senegal has significantly boosted its testing capacity but is testing 14 times less than the Netherlands. Nigeria is testing 11 times less than Brazil,” nakasaad sa WHO press release.

Sinabi ni Dr. Matshidiso Moeti, WHO Regional Director for Africa, makakatulong ang mas mabilis na turn out time ng mga bagong inaprubahan na antigen test para tumaas ang testing capacity at output ng rehiyon.

“The widespread use of high-quality rapid testing in Africa can revolutionize the continent’s response to COVID-19. The new, antigen-based rapid diagnostic tests will help meet the huge testing needs in Africa.”

Inaabot daw kasi ng dalawa hanggang 10 araw bago lumabas ang RT-PCR test na ginagamit ng karamihan sa African countries. Pero kung isasali na rin sa testing strategy ng mga bansa ang antigen test, iikili sa 15 hanggang 30-minuto ang paglalabas ng resulta sa mga ite-test na populasyon.

“Most African countries are focused on testing travellers, patients or contacts, and we estimate that a significant number of cases are still missed. With rapid testing, authorities can stay a step ahead of COVID-19 by scaling up active case finding in challenging environments, such as crowded urban neighbourhoods and communities in the hinterlands,” dagdag ni Dr. Moeti.

Kabilang sa inaprubahan ng WHO na antigen test brand ay ang “standard Q COVID-19 Antigen Test by SD Biosensor Inc” at “Panbio COVID-19 Antigen Rapid Test Device” na gawa ng kompanyang Abbott.

Nilinaw naman ng WHO official na hindi replacement o pamalit sa RT-PCR ang antigen test. Inirerekomenda lang din daw nilang gamitin ito sa mga symptomatic na pasyente, na may mataas na viral load.

“WHO recommends that rapid antigen tests should be used in four scenarios: in suspected outbreaks where there is no access to PCR testing, including in remote, hard-to-reach areas; to trace the extent of an outbreak where at least one case is detected through PCR, including in close-contact settings such as prisons; among high-risk groups like health workers; and in areas with widespread community transmission.”

Dito sa Pilipinas, patuloy pa ring pinag-aaralan ang antigen test bilang dagdag na stratehiya sa pagtukoy ng COVID-19 cases. Pero ang Inter-Agency Task Force, pinapayagan na ang antigen test para sa mga biyaherong palabas ng bansa.