-- Advertisements --

Inakusahan ng White House si Texas Governor Greg Abbott ng paglalagay sa panganib ng buhay ng mga migrants.

May kaugnayan ito sa pagsasakay sa ng nasa 130 na migrants na humihiling ng asylum sa US at dinala sa bahay ni Vice President Kamala Harris.

Hinayaan umano ni Abbott ang mga bata sa gilid ng kalsada kung saan nag-yeyelo ang temperatura.

Ayon kay White House spokesman Abdullah Hasan, na ginamit ni Abbott ang pamumulitika kahit na inilalagay sa panganib ang buhay ng mga migrants.

Isinakay kasi ng Texas ang ilang libong migrants sa Washington, New York City at Chicago na tinawag ng ilang mga kritiko bilang isang maling uri ng pamumulitika.