-- Advertisements --
Binatikos ng White House ang mga Republicans na mambabatas sa US House of Representatvives.
Kasunod ito sa pagbalewala ng $95 bilyon na foreign aid packages.
Sinabi ni White House spokesperson Andrew Bates na mas inuna pa ni Republican House Speaker Mike Johnson na magbakasyon kaysa aprubahan ang nasabing foreign aid.
Una ng inaprubahan ng Senado ang nasabing batas habang bianbalewala pa ito ng Republican sa House of Representatvies.
Ang nasabing foreign aid packages ay para sa mga bansang Ukraine, Israel at Taiwan.