-- Advertisements --

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tagumpay ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay sa West Philippine Sea.

Sinabi ng pangulo na mahalaga at mahirap ang responsibilidad na nakaatang sa Western Command.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa Talk to Troops sa Western Command Lawak Gymnasium sa Palawan, pinakamahalagang bahagi aniya ng responsibilidad ng Western Command ay ang idepensa ang sovereign territory ng Pilipinas.

Sinabi ng pangulo na sa kabila ng mas maliit na pwersa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo ay nagagampanan ng AFW Western Command ang tungkulin nitong panatilihin ang kapayapaan sa lugar.

“Kahit papaano, doon sa maliit nating puwersa, in comparison doon sa mga ibang nakakatagpo natin doon sa West Philippine Sea ay kahit na maliit lang ang naihaharap natin na puwersa ay maganda naman ang nagiging resulta dahil kahit papaano ay nagagawa natin na nagiging maliwanag,” ayon sa pangulo.

Tiniyak naman ng pangulo ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa militar, katuwang ang local government ng Palawan.