-- Advertisements --

Pumayag na ang Los Angeles Lakers na kunin nila si Washington Wizard guard Russell Westbrook.

Magiging kapalit nito sina Kyle Kuzma, Kentavious Caldwell-Pope, Montrezl Harrel at ang 22nd overall pick sa 2021 Draft.

Magiging opisyal lamang ang trade sa pagsisimula ng NBA Draft sa darating na Agosto 6.

Makukuha rin ng Lakers ang second-round picks mula sa Wizards sa 2024 at 2028 NBA Draft.

Ang trade ay tila isang homecoming para kay Westbrook na tubong Los Angeles.

Sa kaniyang social media ay pinasalamatan nito ang Wizards dahil sa pagtanggap sa kaniya mula pa noong unang araw niya sa koponan.