-- Advertisements --

Hindi pa rin umano itsapuwersa sa Los Angeles Lakers lineup ang kontrobersiyal na NBA star na si Russell Westbrook.

Ito ay makaraang lumutang ang impormasyon na sasali pa rin ito sa traditional pre-season minicamp ni LeBron James.

Una nang napaulat na pinipilit umano ng Lakers na mahanapan ng paraan na mai-trade sa ibang team si Westbrook pero

nahirapan na makakuha ng deal ang koponan kung saan dapat ay meron ding mabigat na kapalit.

Gayunman sa pagpasok ng bagong coach ng Lakers, minabuti umanong mabigyan pa rin ng papel si Westbrook lalo na sa starting line-up sa pagpasok sa bagong NBA season na magsisimula na sa kalagitnaan ng buwan ng Oktubre

Si Westbrook ay nine-time NBA All-Star at dating NBA Most Valuable Player.