-- Advertisements --
Pormal ng nanungkulang bilang bagong commander ng Western Mindanao Command o WESMINCOM ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si M/Gen. Roy Galido.
Pinalitan nito sa puwesto si M/Gen. Arturo Rojas na naitalaga naman bilang Commander ng AFP Special Operations Command na nakabase sa Fort Magsaysay sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Andres Centino ang isinagawang turn-over of command na ginanap sa WESMINCOM Gym.
Naging commander si Galido ng 6th Infantry Division ng Philippine Army nakabase sa Awang, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.