Vargas garcia

Matapos ang nakakagulat na heavyweight championship fight nina Tyson Fury at Deontay Wilder, asahan din daw ang exciting matchup sa welterweight division sa darating na Linggo, Marso 1 na gaganapin sa The Ford Center sa Texas.

Pagkakataon naman daw na umeksena rin ang welterweight blockbuster event sa pagitan ng four-division world champion na si Mikey Garcia kontra sa two-division world champion na si Jessie Vargas.

Ang dalawang magkaribal ay nagharap nitong araw sa kanilang final press conference.

Kung ipapaalala ang veteran na si Vargas (29-2-2, 11 КО) ay tinalo noong taong 2016 ni Manny Pacquiao.

Nakaharap din nito ang dating mga kampeon na sina Adrien Broner at Timothy Bradley.

Si Garcia naman ay itinuturing din na isa sa elite boxers sa 147 pounds na may record na 39 wins, 30 via knockouts at meron lamang isang talo.