Pinapurihan din ng mga telecommunication companies (telcos) ang tuluyang pagsasabatas na ng SIM Card Registration Law.
Anila, magpapalakas daw ang naturang bagong batas ng mas mabigat na regulasyon laban sa mga cybercriminals.
Ayon sa mga telcos, tutulong daw sila sa gobyerno para sa pagbalangkas ng naman ng implementing rules and regulations (IRR).
Naniniwala rin ang mga ito na ang naturang batas ay dagdag na safeguards laban sa mga cyber threats at iba pang krimen na ginagamit ang mga mobile phones.
Ang naturang diskarte ay makakatuwang naman ang National ID system na masasakop ang karamihan ng mga Pinoy upang magamit din sa counterchecking sa mga dokumento at SIM card users.
Samantala, para naman sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), nagpaabot din sila nang pag-welcome sa pagpasa sa batas na magiging madali na ang pagtukoy sa mga hackers axt scammers.
habang magbibigay naman daw ito proteksiyon sa mga “responsible users,” maari namang habulin ang mga gumagawa ng krimen gamit ang teknolohiya.
una nang tiniyak ng National Privacy Commission (NPC) ang paggalang sa karapatan ng mga datos na kinakailangan ang massive collection of personal data na hindi magkakaron ng security risks at data breaches.