-- Advertisements --

Humakot ng 36 na medalya ang mga weightlifters ng bansa sa katatapos na 2026 East/Southeast Asia Subregional Championships na ginanap sa Hainan China.

Bukod pa dito ay mayroong tatlong special awaerds at dalawang national records ang kanilang nakamit.

Ayon sa Powerlifting Association of the Philippines (PAP) na mayroong 22 gold, 10 silver at apat na bronze medals.

Ang mga nakakuha ng mga medalya ay kinabibilangan nina Adrian Perillo, James de Luna, Juan Teodoro Zabala, Jose Virgil Perez, Ryant Relos, Emilion Florendo, Audrick Khong Hun, John Sorima, Rayven Villasotes, Anya Pinzon, Jomara Chan, at Clara Buenconsejo.

Nagtala ng panibagong national at individual lift records sina Relos, Chan at Pinzon habang ang Philippine team ay nakamit ang Best Team honors sa Men’s Open at Men’s Masters I divisions.

Habang Best Lifter Perez at si Zabala naman na siyang unang sumabak sa international tournament ay pumangatlo sa Best Lifter rankings.