G3
-- Advertisements --

Trending ngayon sa social media ang kakaibang wedding proposal ng aktor na si Mark Herras sa kaniyang nobyang si Nicole Donesa.

Sa kanilang instagram post, ikinuwento ni Nicole na kumakain sila ng pizza at walang anumang palatandaan na yun na ang isa sa makasaysayang parte ng kanilang relasyon.

Nung dinampot umano nila ng dessert, nagulat na lamang siya nang makita ang singsing sa ibabaw ng maliit na strawberry container.

Doon na umano nangyari ang wedding proposal at agad na tumugon ng “oo” ang aktres sa kasintahang si Mark.

Noong Agosto lamang nang kumpirmahin ng dalawa ang namamagitan sa kanila, matapos magbida sa isang pelikula.

-- Advertisement --