Palaisipan sa mga tagasuporta ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pahiwatig ng kanyang Venezuelan businessman boyfriend na mayroong malaking rebelasyon ano mang oras o araw.

Sa iba’t ibang social media, nariyan ang hula na engaged na ang dalawa, o ‘di kaya ay buntis daw ang pangatlong Pinay Miss Universe, habang may mga nagsabi na baka bagong proyekto lamang ng magkasintahan.

Jeremy and Pia latest

Una rito, makabuluhan ang pahayag ni Jeremy Jauncey na maraming dapat ipagpasalamat kabilang ang kalusugan, career, at pamilya, bagay na sinang-ayunan ni Wurtzbach.

“Yes my love 😊 exciting times ahead ❤️” sagot ng 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro.

Ang 34-years-old na si Jauncey ay lumaki sa Scotland at Chief Executive Officer ng isang multi-platform travel content brand.