Inatasan ng World Boxing Council si Filipino boxer Nonito Donaire Jr at Australian boxer Jason Moloney na magharap para sa bakanteng WBC bantamweight belt.
Nasa unang puwesto kasi si Moloney sa 118 pounds habang pangalawa naman si Moloney.
Ayon sa WBC na ang dalawang boksingero ang top two contenders nila noong nagsagawa sila ng convention noong Nobyembre.
Binigyan nila ang dalawang kampo ng hanggang Pebrero 17 para pagpasyahan ang nasabing alok.
Ang ng nasabing titulo kasi ay hawak ni Japanese boxer Naoaya Inoue subalit binakante nito dahil sa nais nitong umakyat ng timbang sa 122 pounds.
Dalawang beses na tinalo ni Inoue si Donaire habang minsan lamang kay Moloney.
Si Donaire ay mayroong 42 panalo, pitong talo at 28 knockouts habang si Moloney ay mayroong 25 panalo, dalawang talo na mayroong 19 knockouts.