-- Advertisements --
angat dam 732c711b f4e4 4e87 a6db 7a6ddee8734 resize 750 1

Siniguro ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mananatiling supisyente ang tubig na para sa mga lugar na sinusuplayan ng Angat Dam.

Ito ay sa kabila ng El Nino na nagsimula nang maranasan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay Patrick James Dizon, division manager for Angat-Ipo operation management ng MWSS, inaasahang maabot ng Angat Dam ang normal high level na 212 meters sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Kumpara noong nakalipas na taon aniya, mas mataas ng sampung metro ang lebel ng tubig ngayong taon.

Kampante aniya ang buong ahensiya na na sapat at supisyente ang tubig para sa mga lugar na sinusuplayan ng Angat Dam, sa kabila ng banta ng El Niño na posibleng aabot pa hanggang sa ikalawang kwarter ng 2024.

Sa kasalukuyan, nagsusuply ang Angat ng malinis na tubig sa mga service area ng MWSS na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Probinsya ng Rizal.

Ito ay maliban pa sa isinusuply nitong tubig bilang irigasyon sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Nitong araw ng Lunes, Nov6, nang sinimulan ang Total Plant Shutdown (TPS) sa Angat Hydroelectric Powerplant (AHEPP), upang pagtuunan ang nakahanay na rehabilitasyon sa iba’t ibang pasilidad nito.

Ayon sa Angat management, bahagi rin ito ng modernisasyon na isinusulong para sa serbisyo ng Angat.

Kahapon, natukoy ang lebel ng tubig sa Angat Dam na nasa 208.66 metro