-- Advertisements --

Nagbabala ang MWSS Regulatory Office sa Manila Water at Maynilad hinggil sa parusa na posibleng harapin nito kaugnay ng scheduling sa water interruption.

Ayon sa tanggapan, bigo ang dalawang water concessionaires na masunod ang ini-schedule nilang interruption sa serbisyon ng tubig.

Iginiit ng MWSS RO ang nilalaman ng kanilang concession agreement kung saan obligado ang dalawang kompanya na abisuhan ng maaga ang mga customers hinggil sa planong service interruption.

Nilinaw ng tanggapan na hindi nito isinisisi sa Manila Water at Maynilad ang pag-abot sa critical level ng Angat Dam.

Pero responsibilidad daw ng dalawang kompanya ang scheduling ng aberya sa serbisyo ng tubig.

“The MWSS RO will consider any period of actual water service interruption, which takes place outside the schedule announced by the two concessionaires, as not having been the subject of proper notice to the customers,” ani MWSS chief regulator Patrick Ty.

“Should such non-adherence continue, this may constitute as a violation of the Concession Agreement and the MWSS RO shall recommend imposition of appropriate penalties.”