-- Advertisements --
Kinumpirma ng Russia na ang isa nila ng warship ay tinamaan ng missile mula sa Ukraine habang nasa pantalan ng Black Sea.
Naganap ang insidente sa Feodosiya sa Crimea.
Ayon sa Russian Ministry of Defense na ang kanilang Novocherkassk warship ay tinamaan ng eroplano ng Ukraine na may kargang guided missiles.
Nagtala ng isang katao ang nasawi habang marami ang nasugatan.