-- Advertisements --

Bumaha ang mga fans sa mga kalsada ng San Francisco kung saan isinagawa ang victory parade ng Golden State Warriors bilang selebrasyon sa makasaysayang pagsungkit ng korona bilang world champions sa NBA Finals.

Hindi napigilan ng mga players ng Warriors na bumaba sa kanilang bus upang makisalamuha sa crowd na matagal na oras ding nag-antay sa okasyon na ito.

warriors parade sanfo

Kung maalala una nang itinumba ng Warriors ang Boston Celtics 4-2 upang ibulsa ang ika-apat na titulo sa loob ng walong NBA season na huling nangyari ay noong taong 2018.

Ito na ang ika-pitong over all title ng prangkisa.

Ang mga veteran players ng team na sina sharpshooting guards Steph Curry, Klay Thompson, at Draymond Green ay hindi napigilan ang emosyon sa hindi magkamayaw na mga fans na nagsisigawan at nagpaulan pa ng mga confetti sa mga high rise buildings na kanilang dinaanan.

Sa isang parte ng parada ay bumaba ng bus si Thompson na bitbit ang championship trophy na inilagay sa gitna ng kalsada at doon siya sumayaw at nag-break dance habang suot niya ang sailing hat.

Dito na naghiyawan at nagpalakpakan din ang mga fans.

May isang bahagi rin ng okasyon nang ma-interview si Curry at sinabing magpapahinga na siya sabay bitaw sa michrophone sa sahig.

Bumaha rin ng inumin at champagne sa parada na unang isinagawa sa siyudad sa Market Street kung saan dati nilang itong inilulunsad noon sa bahagi ng Oakland.

Samantala si Gary Payton II ay nag-ala “J.R. Smith” at naghubad ng t-shirt habang nagsisigaw at nakipag-selfie sa mga fans.

Kapansin-pansin na kasama rin ng mga players ang kanilang mga pamilya sa parada sa loob ng bus.