-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng buong NBA season si Golden State Warriors All-Star guard Klay Thompson dahil ito ay mayroong torn right Achilles.

Natamo nito ang injury sa practice game sa Southern California noong nakaraang araw.

Ayon sa Warriors na pinayuhan ito ng kaniyang doctor na hindi muna maglaro hanggang hindi tuluyang gumagaling ang kaniyang injury.

Magugunitang hindi na nakapaglaro ng noong nakaraang buong season ang 30-anyos na si Thompson dahil sa torn anterior cruciate ligament na natamo sa Finals.