-- Advertisements --

Walang bahid na pagkabahala ang Golden State Warriors na kaya nilang tapusin ang laro at makuha ang kampeonato sa Game 6 kahit pa sa home court ito ng Boston Celtics gawin.

Sinabi ni Warriors star player Stephen Curry, sanay na siya sa 13 taon niya sa NBA.

Isa sa mga nagbibigay na lakas ng loob nila ay hawak nila ang 3-2 na kalamangan at nakatoon sila sa championship experience ng Warriors.

Gaya aniya noong 2015 championship ay agresibo pa rin sina Draymond Green, Klay Thompson at Curry para tapusin ang 48 minuto na laro.

Hindi nababahala si Curry kahit na nalimitahan ang kaniyang puntos noong Game 5 matapos ang matinding depensa ng Celtics.