-- Advertisements --
Naging matagumpay ang pagbabalik sa paglalaro ni Draymond Green sa Golden State Warriors matapos talunin nila ang Washington Wizards 126-112.
Mula kasi noong Enero ay hindi naglaro si Green dahil sa back disc injury at ito ang unang laro niya kasama sina Stephen Curry at Klay Thompson.
Nag-ambag si Green ng anim na puntos, pitong rebounds at anim na assists.
Nanguna sa panalo ng Warriors si Curry na nagtala ng 47 points, anim na rebounds at anim na assists.