-- Advertisements --

Nakuha ng Golden State Warriors ang Game 1 sa NBA Western Conference finals matapos na tambakan ang Dallas Mavericks, 112-87.

Nanguna sa panalo ng Warriors si Stephen Curry na nagpasok ng 21 points at game high na 12 rebounds.

Gayunman malaking bagay ang ginawang matinding depensa ng Warriors upang limitahan ang Mavs superstar na si Luka Doncic.

Nagtala si Luka ng 20 puntos pero marami itong sablay tulad na lamang ng tatlong 3-pointers na nagawa mula sa 10 pagtatangka.

Tumulong din sa Warriors si Andrew Wiggins na may 19 points habang si Jordan Poole ay nagtapos sa 19 puntos mula sa bench.

Ang Game 2 in the best-of-seven series ay gagawin muli sa homecourt ng Warriors sa Sabado.