-- Advertisements --

Nakabalik na sa unang puwesto ng Western Conference ng NBA ang Golden State Warriors matapos talunin ang Phoenix Suns 116-107 sa kanilang Christmas Day games.

Bumandera sa panalo ng Warrior si Stephen Curry na nagtala ng 33 points.
Mayroon ng 27 panalo at anim na talo ang Warriors habang mayroong 26 panalo at anim na talo ang Suns.

Mula sa simula ay naging mahigpit ang laban kung saan bawat koponan ay nagpalitan ng kalamangan na aabot sa 10 points hanggang makuha ng Warriors ang 107-99 na kalamangan sa natitirang 4:50 ng laro.

Naging malaking hamon ang laro sa Warriors dahil sa kawalan ng ilang mga manlalaro nito gaya nina Andrew Wiggins, Jordan Poole, Damion Lee at Moses Moddy dahil sa pumasok ang mga ito sa health and safety protocols.