-- Advertisements --

Binitbit ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors upang iposte ang 3-1 lead laban sa Memphis Grizzlies sa Game 4 ng kanilang Western Conference semifinals.

Nagtala ng walong assists at 32 points points si Curry kasama ang walong mga free throws sa huling 45.7 seconds sa fourth quarter para pangunahan ang opensa ng Warriors.

Tumulong din naman si Andrew Wiggins sa kanyang 17 points at 10 rebounds.

Sinamantala ng Warriors ang kawalan ng All-Star na si Ja Morant sa Grizzlies..

Sa Huwebes, gaganapin ang Game 5.