-- Advertisements --

Walang ligal na basehan ang memorandum ng Quezon City sa warrantless arrest sa mga quarantine violators, ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Ang memo kasi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ay nakabase sa Mandatory Reporting of Notifiable Disease Act.

Nakasaad din dito na sinumang lalabag sa protocol hinggil sa mass gatherings, social distancing, at palagiang pagsuot ng face mask ay pagmumultahin ng P20,000 hanggang P50,000, at pagkakakulong ng hanggang anim na buwan.

Pero ayon kay NUPL president Edre Olalia, ang batas na tinukoy at naging bassehan ng memo ay para lamang sa mga government agenies at health personnel na bigong makapag-alerto hinggil sa mga nakakahawang sakit, at iyong nagpositibo sa COVID-19.

Hindi rin aniya sakop sa batas ang mga paglabag na tinukoy sa memorandum ng Quezon City.