Inaresto na ng PNP anti-kidnapping group (AKG) si PSupt. Rafael Dumlao ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.

Ayon kay PNP AKG director SSupt. Glen Dumlao na kagabi nila isinilbi ang arrest warrant laban kay Rafael Dumlao habang ito’y nasa loob ng Camp Crame na isinailalim sa restrictive custody.

Inilabas ng korte ang warrant of arrest laban kay Dumlao makaraang isama ng DOJ ang pangalan nito sa kanilang kinasuhan matapos silang magsagawa ng reinvestigation sa kaso ng pagpatay kay Jee Ick Joo.

Kasong kidnapping at serious illegal detention ang kinahaharap ni Rafael Dumlao.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa mga nabanggit na kaso.

Sinabi ni Supt. Glen Dumlao na patungo na ngayon sa Pampanga ang PNP AKG upang iprisinta si Dumlao sa Angeles RTC Branch 58 para sa tinatawag na return of warrant.

Sa ngayon wala ay pang commitment order para kay Dumlao.

Samantala, na-reset ang hearing para sa commitment orde para kay Supt. Rafael Dumlao ngayong araw.

Nakatakda ang susunod na hearing sa May 3,2 017, ala-1:30 ng hapon.