-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa limang milyon peso ang pinsala sa nasunog na warehouse ng Ministry of Health ng BARMM sa Cotabato City.

kabilang sa mga nasunog ay mga PPEs bukod pa sa mga mahahaflagang dokumento.

Agad namang nagresponde ang mga pamatay sunog dahil malapit lamang ang warehouse ng MOH BARMM sa BFP BARMM Office.

Dating tanggapan ng Department of Health (DOH-12) anmg nasunog na warehouse ng MOH-BARMM.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP Cotabato City at BARMM kung saan inaalam kung paano nagsimula ang apoy at magkano ang kabuuang pinsala.