akgpnp
-- Advertisements --

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang isang wanted person matapos ang ikinasang law enforcement operation sa Pulang Lupa 2, Las Piñas City.


Kinilala ni PNP AKG director Police Brigadier General Jonnel Estomo ang suspek na si Joel Beron na nahuli sa kasong rape.

Ayon kay PNP AKG spokesperson Police Lieutenant Colonel Ronaldo Lumactod, ilang beses umanong ginawa ni Beron ang krimen sa isang walong taong gulang na batang babae noong 2009.

Matapos aniyang malaman ng ina ng biktima ang krimen ay agad itong nagsampa ng reklamo pero nagtago ang suspek sa loob ng 13 taon hanggang sa maaresto ng pulisya.

-- Advertisement --

Pansamantalang nasa kustodiya ng PNP AKG ang suspek para sa documentation.