-- Advertisements --

marines1

Arestado ang isang wanted drug personality sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Marine Battalion Landing Team-12 (MBLT-12), Provincial Mobile Force Company, at PDEA-BARMM sa may bahagi ng Punduhan Tapis Imam Laja, Barangay Sipangkot, Sitangkai, Tawi-Tawi.

Kinilala ni Joint Task Force Tawi-Tawi at 2th Marine Brigade commander Col. Romeo Racadio ang naarestong drug personality na si Bashir Daud na sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa kasong attempted murder.

Sinabi ni Racadio, habang ginagalugad ng mga operatiba ang lugar kung saan inaresto ang suspek, tumambad sa mga operatiba ang isang kilo ng hinihinalaang shabu, isang M16A1 rifle, five long magazines, 104 live ammunition, at mga assorted drug paraphernalia.

Siniguro naman ni Col. Racadio na kanila pang palalakasin ang kampanya laban sa criminality, illegal drugs, terorismo kasama ang kanilang mga counterpart ang PNP at PDEA.

“We continue to collaborate with other law enforcement agencies to effectively execute the operations against the wrongdoers and prevent them from inflicting havoc in the peaceful communities,” pahayag ni Col. Racadio.

marines2

Kasalukuyang nakakulong sa Sitangkai Municipal Police Station ang suspek na si Daud para sa kaukulang documentation and proper disposition.

Pinuri naman ni Western Mindanao Command Commander MGen. Alfredo Rosario Jr. ang JTF Tawi-Tawi sa kanilang matagumpay na operasyon.

“We remain steadfast in performing our duty as a force multiplier in the anti-illegal drug campaign of the government. Rest assured that we will continue to pursue our mission and brave every obstacle for our future generations,” pahayag ni MGen. Rosario.