-- Advertisements --

Patuloy na nagpapagaling sa isang pagamutan sa Naga City ang tv host at komedyanteng si Wally Bayola matapos na maaksidente.

Ayon sa mga otoridad, nangyari ang insidente pasado alas-dos nitong Linggo ng hapon sa Andaya Highway sa Barangay Bel Cruz sa Lupi, Camarines Sur.

Lulan umano ng kaniyang motorsiklo si Bayola ng bigla na lamang itong nawalan ng kontrol at doon natumba.

Hindi maigalaw ng komedyante ang kaniyang mga hita kaya ito ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Kasalukuyang nasa isang pribadong pagamutan si Bayola matapos ang nasabing aksidente.