-- Advertisements --
Nanmadol 1

Walang sinomang Filipino ang nasaktan sa pananalasa ng bagyong Nanmadol sa bansang Japan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nag-ulat umano ang Philippine Consulate General sa Osaka na walang Filipino casualties sa kabila ng pagdaan nang malakas na bagyo.

Ilan umano sa mga kababayang Pinoy na nakatira sa Kagoshima Prefecture ay sinunod ang kautusan ng lokal na gobyerno na lumikas muna patungo sa nakalaang mga evacuation centers.

Sa ngayon, ang Philippine Consulate General sa Osaka ay nagpapatuloy sa pag-monitor sa sitwasyon sa lugar.

Gayunmman, ang pakikipag-ugnayan sa mga Filipino community organizations na nasa ilalim ng hurisdikyon nito.

Samantala, iniulat din naman ng DFA na wala ring Pinoy na nasaktan sa nangyari namang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Taiwan.

Ipinabatid ng MECO na walang naiulat na merong mga Pinoy na naging biktima ng kalamidad.

Tiniyak na rin ng Department of Migrant Workers na handa itong tumulong sa mga Filipino na maaapektuhan kung sakali.

Umaabot sa 147,000 ang mga OFW sa Taiwan.

Ipinaalala na lamang ng kagawaran sa mga OFW doon na palagiang makipag-ugnayan sa Filipino community sa kanilang lugar.